Punong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na ‘di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay silaBakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan
Para sa ‘yong mga mahal sa buhay?
Walang ganang umangal kasi gano’n talaga
Ang paliwanag sa ‘minNo’ng unang panahon
Nagpaabuso na tayo sa Kastila
Nilapastangan ng mga Hapon
Ating kababaihan ay inalilaBakit ‘di pa tayo natuto do’n?
Lumipat lang sa mga mukhang manika
Mga dura nila, nilululon
Habang sumisigaw ng pagkadakilaKailan kaya kita makikita
Na kay saya at tunay na malaya? Ha
‘Di ko gusto na iwan ka lang dito, peroPunong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na ‘di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay silaBakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan
Para sa ‘yong mga mahal sa buhay?
Walang ganang umangal kasi gano’n talaga
Ang paliwanag sa ‘minKay dami nang mga santong nangako
Pero kabaong lang ang s’yang kinahantungan
Nailibing nang lumaon, lalo na’t may mga taong
Parang manok kung manabong
Sadyang makukulit, uulit-ulitin
Maitapon lang ang tamaAwa, nakakasawa
Para kang naiwan nang mag-isa sa lawa
Hawak ang lamang, habang tawa nang tawa
Talo ka habang sila’y dama nang dama’Di na ba tayo matututo?
Ilan pa ba ang dapat na ipakong Kristo
Ng mga tagabantay na kunwari’y listo
Harapan ang tanggi, harap-harapang bistoIs-is ka nang is-is, nipis nang panipis
Inis kakatiis sa ulam na panis
Bilis, tama na, please, mintis ka nang mintis
Bigkis sa ‘king paa’t kama’y ‘di ko maalisSabihin mo, darating ba
Ang araw na ‘di ka takot iwanan ang mga mahal mo
Sa bahay na hindi sila mababasa
Tuwing malakas ang bagyo?Darating ba
Ang araw na ‘di kailangang itago ang mga yapak mo?
Kailangang lumayo, yumuko, magpasawalang-kibo
‘Pag tinatanong ang karapatan moPunong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na ‘di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay silaBakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan
Para sa ‘yong mga mahal sa buhay?
Walang ganang umangal kasi gano’n talagaSabihin mo, darating ba
Ang araw na ‘di ka takot iwanan ang mga mahal mo
Sa bahay na hindi sila mababasa
Tuwing malakas ang bagyo?Darating ba
Ang araw na ‘di kailangang itago ang mga yapak mo?
Kailangang lumayo, yumuko, magpasawalang-kibo
‘Pag tinatanong ang karapatan moPunong-puno ka ng pag-asa
Lunok lang kahit na ‘di mo alam ang lasa
Na para kang pinahawak ng dinamita
Magsisindi ng mitsa ay silaBakit kaya hinahayaan mo na
Nakawin ang mga pinaghirapan
Para sa ‘yong mga mahal sa buhay?
Walang ganang umangal kasi gano’n talaga
Ang paliwanag sa ‘min

Watch Paliwanag Official Music Video by Gloc-9 feat. Yeng Constantino

(Visited 38 times, 1 visits today)